OA di ba?
hehehe... well, ever since my dream mountain syempre is Mt. Everest, pero "DREAM" nga e. anyway, dito sa pinas, Mt. Pulag... kasi sabi dun daw pinakamaganda ang sunrise... so, as you all know, naakyat ko sya last May, 2006. Kaya ang naging dream mountain ko na is Mt. Maculot.
Mt. Maculot kasi ung madalas maakyat lalo na ng mga first timers mag-attempt umakyat. Tipong pag may makakausap ka, magtatanungan kayo at hindi nawawala ang Mt. Maculot sa mga naakyat nila. Either that o ginagawa lang syang day hike ng iba. Parang maghahalo halo lang sa taas tpos bababa na. Tpos, pag ako na ung tinatanong, syempre, nasabi ko na ata ang Mt. Pulag at Mt. Ugu, pero Maculot hindi. so dahil sa pagmamahal sa kin ng mga tao-tao sa paligid, last January 27-28, 2007... finally, at last... NAAKYAT KO NA ANG MT. MACULOT!!!
Well, ung climb na yun dapat sa Talamitam e, engkaso, mga pasaway ung mga in-charge for some "unknown" reasons hindi matutuloy. Inis na inis ako. anyway, nagkita kami ni Sheldon last Monday, tpos sinama namin si Dominic, ayun, sabi ko gusto ko magmaculot. inasikaso nila. Nag-so-called preclimb kami that Thursday (ako, si Abet, si Dom at Shelly lang), tinawagan sinong pwedeng hiraman ng gamit, sino sino ang participants, sinong magdadala ng ganito-ganyan. Simpleng simple. Tapos, napag usapang bahala na kaming magsabi sa mga guests namin. ayun...
Saturday, 4:00pm na ako nakadating instead of the 3:00pm na intayan, nalate ako kasi dinaanan ko pa yung first aid kit na naiwanan ko dito sa office. Sa Buendia ang kitaan. Matagal din ang byahe, nakakainip. Nakarating kami ng Cuenca, Batangas mga past 7pm na. Nagdinner muna kami (TAPSILOG!!!), then tricycle na hanggang dun sa pagreregistration-an at dun sa bahay dun.
Pray kami, then at around 8:50pm lakad na kami... Ok naman ung paakyat, medyo naligaw kami nung una pero maiksi lang. kaya backtrack kami, pero later on na ok na. madaming pagapang, ewan ko nga bakit sabi nila madali lang ung bundok e. Nung madami nang pagapang, nakakalimutan ko na ung pagod ko, nag iisip na kasi ako san magandang dumaan e. at syempre, nagbibigay pa ako ng encouragement kay Jean (isang guest) na kasunod ko, "o daan ka lang dito, hawak ka dyan then angat lang ng angat, akyat lang ng akyat". Nga pala maraming salamat kay Sheldon sa head lamp... Ü you made my night trek easier. Yan itsura ko nung nagnanight trek, nagsariling sikap na naman ako sa pagkuha ng pic gamit ung phone ko. Maganda ang ganda nung mga city lights na nakikita namin. nakakaaliw, naaalala ko nga ung Gulugod Baboy sa kanya e. Para syang Gulugod na pa-assault agad, un nga lang at mas mahaba. Meron na namang lugar dun na tinatawag nang "pinagsukahan" ewan ko ba, nagsuka na naman ako.
Pagdating namin sa taas, may pagtatalong mga nagaganap sa pagitan nung manong na nagtitinda dun sa taas at saka dun sa isa sa mga grupong nauna sa taas, ikaw nila nanakawan sila ng wallet at cellphone. ayun, inawat na lang nina Abet ung Manong, at biniro biro.
Pitch na kami ng tents. tatlo lang tent namin, 2 tadpole (ung kay Abet at ung hiniram kay Manny) at isang dome (ung kay Sheldon). Tamang tama sya kasi tag-tatatlo kada tent. Medyo masikip nga lang lalo na pagclaustrophobic ka. Ü Pagdating dun, ala nang kumain, nag pakulo lang si Dom ng kape, tapos nagkainan na ng mga pulutan at saka nag-inuman ng Tequila (courtesy of Shelly!) at Fundador (courtesy of Jason!). Kwentuhan, socials, inuman... dahil late nang nagstart, late na natapos, nagtulugan kami 4:30am na. Maluwag naman sa oras, kasi late naman.
Nagising si Dom ng mga 8:00am para asikasuhin ung pasta para sa macaroni na ibrebreakfast namin. sya lang ata ang nagluto kasi hindi gumising si Abet e. hehehe. Ako nun pa lang ako nakatulog ng maayos, ang sikip kasi sa loob ng tent. Lumabas ako ng tent mga 8:30am. Nagbreakfast na sila (hindi ako kumain baka ilabas ko lang). Nagkukuha ako ng mga pictures dun. Ung Campsite, ung summit ng Maculot na tanaw namin, pero hindi naman namin inakyat. Wala daw view e. Anyway, ang ganda dun. Ü Nagpunta kami sa Rockies. Akala ko tatanawin lang namin sya, un pala merong pababa dun. at mag-rock climbing ka pa... which i can say naenjoy ko... alam mo un, tipong mala-Lara Croft kahit na ang katawan ko mala-dabyana. Ü Nagpapicture kami dun sa may Marker. Sina Jean at Les dapat hindi na pupunta ng Rockies, buti na lng nagbago isip nila, kasi, mahirap lang ung pababa, nakakaintimidate, pero ok naman at madali na ung the rest, grabe breath taking ung view. hindi nga mabigyan ng justice ng kamera ko e.
Syempre pag akyat sa taas, wala na namang kasawaang pictures. Nakakatawa nga kasi I was looking through Les' pictures, and I noticed na parang eto me kinukuhanan ng picture, tpos, kinukuhanan pa ng picture un nagpipicture, at from afar may kumukuha pa ng picture ng buong scenario. ayos no!? hehehe Mga Adik e. Ü
Panalo ung Camera ni Jason, ang yabo ng dating, hindi nga namin maresist ni Dominic magpapicture kasama ung kamera nya e. Ü hehehhe Yan ako, nagfifeeling... ganda nung kamera no? Photographed by Jason. Panalo sya... wish ko makabili ng ganyan... sana by next year. hehehehe...
Paggaling sa Rockies, naghalohalo na kami dun sa may tindahan bago kami nag break camp. Ung pababa medyo nakakapagod, mahirap nga... mas madali syang akyatin kesa sa babain. nakakaloka. ang bato-bato, ang dulas, loose rocks/gravel/soil ang dating, magkamali ka ng apak, dudulas ka. Napulikat na nga ako e. In fairness, ok naman sya. kahit ganun... Tinetake into consideration ko na kaya ako nahihirapan kasi sobrang out-of-shape ako. sobra! takot akong rumatrat. may fear na, unlike before. Tpos ang bigat ko, literally plus pa ung weight ng backpack ko. Pero ok lang din na ganun lang ung pacing kasi, medyo payapa ung utak ko.
Expenses:
129.00 - Bus Fare from Buendia to Cuenca
20.00 - Tricycle to Jump-Off
10.00 - Registration Fee
200.00 - Water at Baon
45.00 - Dinner (Tapsilog at share sa Coke)
25.00 - Coke sa Taas
10.00 - Wash Up fee
45.00 - Lunch
25.00 - Tricycle to Main Hi-way
18.00 - Jeep to Lipa
68.00 - Non-Aircon Bus to Alabang
Total of 595.00 buong trip... hehehe. Ü hindi na masama...
Participants:
Joyce - isa sa mga E.L. PASAWAY (may bago pa ba dun?) Cause kung bakit 3pm ang departure time nakaalis ang grupo 4pm na. Mobile (daw!)
Sheldon - ang isa sa mga E.L. ang matyagang nahagilap ng mga magagamit namin.
Dominic - isa sa mga E.L. Bukod tanging nakaakyat na ng Maculot sa grupo namin. Kalahating unggoy; kalahating kambing. (huh?)
Abet - isa pa sa mga E.L. Sweeper! Salamat sa pagpapatulog sa tent! Ü Batchmate ko!
Jason - Packy Monster. May Mabangis na Kamera, panalo makisama nagdala pa ng Fundador. Dating nang nakasamang umakyat ang OCMI.
Hazel - kasama ni Jason na nakaakyat na din with OCMI. isa sya sa mga willing na mag-Puerto Galera na lang hehehe.
Les - Officemate ni Sheldon. Nakabili na sya ng bagong bag. sana hindi ito ang huli mong akyat Ü
Jean - ang olympic gold medalist na pinsan ni Les. matindi uminom, walang chaser!
Jules - ang vegetarian, maryosep! un lang!
** for more pictures visit: http://robellejoyce.multiply.com
Un lang... nakakainis... nakakamiss... well...