Wednesday, February 14, 2007

Ms. Libis for 3 Months

wala lang... just wanna share to all of you that starting Monday, February 19, 2007, I will start reporting to our client's office at Libis. so... since, I will be an on-site consultant there for three months (yes three long months!!!) less internet access. Kelangang magpakagood-girl dun. I can't risked failing this project kundi wala na akong pang-finance sa king mga gala, mahirap na!!!

I think I will also be provided with a SUN sim so I can still text inside our client's office. Corny no? walang signal ang ibang networks dun e. Isolated baga.

I am excited with this new "working environment". Hmmm... mas strict.

Honestly, i've got mixed feelings, medyo excited na medyo nalulungkot. but who cares... and ang isang certified rebellious free-spirited missy is very hard to put down. hehehe... ako pa?

I'll be busy the rest of this week for the preparations so, concentrate muna ako sa work... Ü

Wednesday, February 7, 2007

Tipid Trip Lang

Dipolog Trip: Day 1

Si OrangeMan, ung lalaking nakita ko sa Mister Donut, sya ung nagpaalis ng inip ko habang nag iintay ng delayed naming flight. stalk dito stalk duon ang ginawa namin. OrangeMan kasi dalawang backpack nya Orange, Tshirt Nya may Orange, san ka pa? =)
Nagrequest kami ng window seat na hindi sa tapat ng pakpak ng eroplano ang binigay sa min last row para daw wag kaming mahirapang lumabas, anak naman ng teteng ala namang window hehehe. Nanalo ako sa pa-name that tune ng CebuPac. It Might Be You.

Then, sinundo kami ni Tito ko sa Airport. After nun, pagkalapag ng gamit, nag ikot ikot kami sa Kapitol at sa Munisipyo to ask for directions and contacts. Nakabuo na kami ng itinerary for the whole trip.

Nag ikot din kami sa Boulevard nila. sayang alang gimikan pa pala dito, nagdala pa ako ng pang gimik attire hehehe. then, nag-isaw-isaw kami dun sa tinatawag nilang McDo (Magdoko-doko ka pagkumakain). After dinner nag-Bon's Cafe kami, hindi kasi namin alam san ung Good Times Cafe, masarap ung Iced Mocha ng Bon's Cafe, naligayahan ako hehehe.


Gastusin:
140.00 - Taxi Fare from Sucat to Airport

200.00 - Terminal Fee

275.00 - Brownies Pasalubong

90.00 - Snack na binili ko sa Mister Donut at Goldilocks

40.00 - Isaw, Proben at Pop
300.00 - Pasalubong na Spanish Sardines

80.00 - CebuPac na neckwallet

65.00 - Iced Mocha Coffee

33.00 - Isang Pakete ng Menudo (Yosi)

Dipolog Trip: Day 2

Nagdaytrip lang kami sa Dakak, kasi kukulangin na sa oras kung mag-overnyt pa kami. Anyway, papunta dun from Dapitan, naghabal-habal (Motorbike) lang kami. Pagdating sa Dakak, as always, picture-picture ever, walang kasawaan. Nagexplore-explore kami, nahanap namin ung chapel. Un ung chapel na nung tinanong namin kung anong itsura ang description nung engineer is CUTE daw, which is very cute naman talaga. After lunch na kami nagswim ni Joan ang lamig ng tubig sobra.

After namin sa Dakak, pumunta kami sa Rizal Shrine, ung tinirahan ni Rizal nung ma-exile sya sa Dapitan noon. Picture picture. Then, nagpahatid kami sa Tricycle sa may Dapitan Church, dun daw nagsisimba si Rizal nuon, St. James ata ung name nung parish.

Pag-uwi nagpahinga lang at naggrocery kami ng mga babaunin sa activity for the next day, then, nag early dinner nagpunta naman kami sa McDo (isawan) at kumain ng isaw at barbeque. Dinner ulit sa bahay then, nagpunta kami ng Sunburst para magkape, pero since, walang iced coffee, hindi na ako umorder. hehehe.


Gastusin:

16.00 - Bus Fare from Dipolog to Dapitan
100.00/person - Habalhabal to Dakak (pero sabi 25.00 lang daw dapat un)

200.00 - Entrance Dakak

75.00 - Meal
5.00 - tricycle from Rizal Shrine to Dapitan Church

16.00 - Bus Fare from Dapitan to Dipolog
37.50 - Early Dinner (5 isaw, 1.5 rice, 2 barbeque at POP).

Dipolog Trip: Day 3

9am ung usapan naming magkikita kita sa Habagat, dun kasi sina Kuya Basil na syang magiging guide namin sa caves sa Baranggay Libotan, Manukan, Zamboanga del Norte. Well, un nga... mababait naman ung mga guide namin, si Kuya Noy (trail master) at si Kuya Basil (sweeper).

Nagtrek muna kami, as in off-trail trek, tpos, nagulat ako, bigla na lng huminto, at tinuro ni Kuya Noy ung bunganga nung kwebang papasukan namin, langya, hindi halata. Tipong kung passerby ka lang deadma ka sa kanya. Dalawang cave ung pinasok namin. Medyo maiksi lang ung una. Enjoy kasi kakaibang experience. ung dati kong napasok na cave (Callao Cave sa Tuguegarao) e commercialized na, eto medyo lately nga lang daw sinasama sa tourist spot ng Zamboanga del Norte. Puro cameraphone lang ginamit ko kasi medyo damp sa loob e (don't want to risk it) hehehe.


After nung family cave, nag lunch kami, ewan ko nalimutan kong magpicture, nakafocus kasi ako sa pagtatago e hehehe.

Next, may maliit na butas lang na dun kami dapat susuot, kaso, merong ahas na natutulog. Safety First, so we suggested na dun na lng kami pumasok kung san kami dapat lalabas. ayun, trek kami ulit. sabi nila, mas ideal syang labasan kesa pasukan, kasi pa-S sya at para syang wormhole lang, gapang lang talaga. Tipong, magkamali ka ng apak laglag ka sa pinakamalalim ata nung kweba at kung hind naman nakahardhat malamang butas ang bunbunan mo sa mga matatalas na bato.

Ayun, pasapasa ng backpack. hirap ako, kasi maiksi ung reach ng legs ko, ung supposedly foothold e, hindi ko naaabot. pinalitan namin ung ruta namin, kasi may baha. sabi lagpas tao daw ang lalim nun (naipong mga tubig buhat sa taas). so atras kami, safety first ulit. hehehe. dun kami sa iba mas maiksing ruta at nagpicturan. Ü


Palabas ako, nagpanic ako, hirap na hirap ako lumabas, ang lalaki kasi ng pata ko =( hindi ko maipwesto ng maayos un mga tuhod ko para isupport ung weight ko. got stucked. tpos, nang-encourage si sheldon, sabi nya "hinga ng malalim" ayun. huminga ako ng malalim at tinatry kong kalmahin ung sarili ko. ok naman ako. hehehe eto at nasa maynila na Ü

Nung gabi, nagdinner kami sa Sibugan, treat namin sa tito ko as pa-thank you. sa Sibugan daw ang favorito ni Raul Rocco kainan.

After that, nakapag-GoodTimes Cafe na kami.
Ganda dun, gallery, pub, and coffeehouse in one sya. displayed dun ung mga works of art ng mga local artists ng Dipolog. dami kong kinuhang pictures. anyway, for your info you can visit their site at http://www.geocities.com/goodtimes_cafe.

Gastusin:

610.00 - caving (1830.00 total caving expense - 300 guide fee at 1400 transpo at 130 additional food)

35.00 - GoodTimes Cafe (15.00 - entrance and 20.00 - iced tea)
450.00 - Trekking Sandals

150.00 - contri for Dinner at Sibugan (450 total dinner expense)

Dipolog Trip: Last Day

Kahit masasakit pa ang mga katawan, we are really decided to push through with the hike up the Linabo Peak. 3003 Steps. (ADIK TALAGA!) Meron syang mga station of the cross along the way. Yung mga taga Dipolog at Dapitan, they usually visit this place every holy week, penitensya nila.

Nung una, I was asking Joan kung ilan ba ang stations of the cross, sabi nya 14, tumatawad ako na sana 12 stations lang. well, it turned out that the last station (14th station) is not the end of the ascend. May community pa kaming dinaanan, at may part pang walang steps ung malapit na sa summit. Ano bang meron sa summit, mga tower ng mga cellphone companies. hehehe. Maganda ung supposed to be 360 degrees na view. (supposed to be lang kasi nahaharangan ung view ng mga tower at nung mga bahay-bahayan dun na quarters nung towers).

Nagpahinga dun at saka nag almusal.
Pag-akyat siguro inabot kami ni Joan ng mga 1.5 hours at pagbaba mga 45 minutes. the first five stations, magkakalayo ang pagitan at malalapad pa ang steps, pero the rest especially stations 9-14 steep na sya. After namin, dito umuwi kami at nagpack na.

Naglunch kami ulit sa GoodTimes Cafe.
Dumiretso na kami ng airport afterwards. Sumunod na lang si Tito Dannie.

Gastusin:

6.00 - tricycle hanggang rotonda
20.00 per head - habal habal hanggang paanan ng Linabo Peak
33.00 per head - habal habal mula Linabo hanggang bahay
136.00 per head - lunch sa GoodTimes Cafe

40.00 - tatlo na kami tricycle to Airport
20.00 - terminal fee

Pagbalik ng Manila, nag-starbucks pa kami sa may PICC. hehehe...

** madami ding pictures sa multiply ko Ü